Eat Bulaga Pinataob Ang Rating ng E.A.T sa Unang Pagkakataon, Mga Host Nagbubunyi!

Huwebes, Hulyo 20, 2023

/ by Lovely


 Nagbubunyi ngayon ang mga Eat Bulaga hosts at ang TAPE Inc. dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng straight 19 days natalo nila sa ratings ang show ng TVJ sa TV5 na E.A.T.


Ayon sa data na inilabas ng AGB Nutam TV Ratings Philippines, nakakuha ang Eat Bulaga ng 4.12% rating kumpara sa E.A.T na may 3.79%


Natalo ng Eat Bulaga ang E.A.T sa lahat ng lugar sa bansa maliban sa Metro Manila.


Nakakuha naman ng 2.76% rating ang pinakabagong Kapuso noontime show na It’s Showtime na ipinapalabas sa GTV.


Samantala, inasahan na ng mga netizens at televiewers na malalampasan ng E.A.T ang Eat Bulaga dahil sa unti-unting pagbaba ng ratings nito simula noong July 1.


Marami rin ang nagrereklamong naging boring na ang show at panay kwentuhan na lamang umano ng mga hosts. Marami rin ang humihiling na sana ay ibalik na ng E.A.T ang mga segments na 'Bawal ang Judgemental' at 'Pinoy Henyo'.


Gayunpaman, inaabangan ngayon ng ilang mga netizens kung anong show ang makakakuha ng mataas na rating sa darating na July 29.


Nauna nang naiulat na parehong isi-celebrate ng E.A.T at Eat Bulaga ang 44th anniversary ng show.


Iniulat na rin ng ilang mga Kapuso pages ang pagdidiriwang ng Eat Bulaga sa kanilang 44th anniversary kasama ng kanilang bagong hosts.


Subalit, inalmahan ito ni Tito Sotto kung saan ipinunto niyang walang karapatan ang mga bagong hosts ng Eat Bulaga na magdiwang dahil iginiit niyang pag-aari nila ang 'Eat Bulaga'.


Samantala, ongoing naman ang pakikipaglaban ng TVJ sa TAPE Inc. sa tunay na nagmamay-ari ng titulong 'Eat Bulaga'.


Sa kabilang banda, nagbubunyi naman ngayon ang mga Eat Bulaga hosts dahil napataob na nila ang E.A.T ng TVJ na nasa TV5.


Subalit, marami sa mga netizens ang naniniwalang kaya natalo ng Eat Bulaga ang E.A.T dahil sa mahinang signal ng TV5 sa ibang mga probinsya.


"Ung sa ibang Probinsya.mahina aNg TV5 kaya d nla mapanood ang tunay na dabarkads.GMA7 malakas ang signal sa iba kea cgro Iba no choice sila panoorin hehe"


"Kung online view pag babasihan halos wla ngang nanunuod dyn sa eat Bulagta n Yan eh🤣😂 showtime at e.a t lng tlgang may nanunuod hahaha"


"Aguy..... nagkatotoo na ang projection ko na maging tumaas ang rating ng EBCH7. ...Ito ay dahil sa malawak ang naabot na coverage ng ch7..... keep it up"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo