Dominic Roque Huling-huli sa Video Ang Ginawa Kay Bea Alonzo

Linggo, Hulyo 23, 2023

/ by Lovely


 Umaaani ng papuri at positibong mga komento mula sa ilang mga netizens ang ginawa ni Dominic Roque sa kanyang fiancee na si Bea Alonzo sa naganap na GMA Gala Night 2023.


Kasamang dumalo ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang kanyang fiance' na si Dominic Roque sa katatapos lamang na GMA Gala 2023.


Kamakailan lamang ay isiniwalat ni Bea Alonzo na engage na silang dalawa ng kanyang long time boyfriend na si Dominic.


Samantala, kumakalat naman ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga video clips kung saan spotted ang pagiging gentleman ni Dominic Roque sa kanyang fiancee.


Isa na rito ay ang pagpapapicture nila kina Rhian Ramos at Sam Verzosa kung saan makikitang hinahawakan ni Dominic ang gown ni Bea Alonzo para maka pose ito ng mabuti sa kamera.


Simple man ang ginawang ito ni Dominic Roque, para sa mga netizens nakakakilig na ito.


Sa isa pang video, makikita naman tinititigan ni Dominic ang mukha ni Bea Alonzo habang ini-interview ito ni Nelson Canlas. Sa kalagitnaan ng nasabing video, makikitang tinanggal ni Dominic ang ilang piraso ng buhok na dumikit sa mukha ni Bea.


Samantala, sa isang Instagram post, ipinahayag ni Dominic ang kanyang saya sa pagpayag ni Bea Alonzo na ma-engage sa kanya.


"Sino bang mag-aakala na yung crush ko lang noon na gustong-gusto kong tinititigan dahil sa sobrang ganda, hindi ko pa nga alam kung paano ako magpapakilala. Eh ngayon, parte na ng araw-araw ko."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo