Inamin ng actress-host na si Anne Curtis sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan na totoong nagkaaway sila ni Vice Ganda.
Sa naging panayam ni Tito Boy kay Anne Curtis naitanong niya sa actress-host kung sino ang kanyang pinaka-close sa lahat ng Showtime Family.
Agad naman sinagot ito ni Anne at ipinahayag na si Vice Ganda ang maituturing niyang pinaka-close.
Tinanong naman siya ni Tito Boy kung totoong nagkapikunan na nga ba silang dalawa kung saan talagang humantong pa ito sa hindi pag-papansinan.
Dito na inamin ni Anne Curtis na hindi talaga maiiwasan ang misunderstanding. Ayon pa kay Anne nag-away sila noon ni Vice Ganda dahil lamang sa isang watermelon shake.
“Opo, nangyari na po. Nangyari na po sa amin ni Vice. Pero nakakatawa kasi ‘yong dahilan, dahil lang sa isang watermelon shake,” pag-amin ni Anne Curtis.
“So parang, iyong relationship namin, alam mo iyong away ng pangkapatid dahil natapon iyong watermelon shake? Tapos doon na ‘yon nagstart,” dagdag pa niya.
Inakala umano ni Vice Ganda na siya ang nagtapon sa watermelon shake nito kaya nagalit ito sa kanya.
Nagsorry naman umano siya kay Vice Ganda and after 1-2 days ay naayos nang muli ang kanilang relasyon.
“Sabi ko, okay sorry. Tapos ‘yon na, lumaki nang lumaki tapos ayon nagkabati rin after 1 or 2 days.”
Nilinaw din naman ni Anne na wala pa silang malalang away ever since ni Vice Ganda.
“But anything beyond that, wala pa kaming away na ganon. ‘Yong mga petty, ganon lang. That’s the first and last disagreement.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!