Dennis Padilla, Ipinahayag Ang Labis Na Pagkamiss Sa Kanyang Anak Na Si Claudia!

Lunes, Hulyo 24, 2023

/ by Lovely


 Muling ipinahayag ng aktor na si Dennis Padilla ang kanyang labis na pagka-miss sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.


Ayon sa kamakailang post ni Dennis Padilla, inilahad niyang labis na siyang nananabik na makausap o makita man lang sa personal ang kanyang anak na si Claudia Barretto.


Tanging throwback photo na lamang ang ibinahagi ni Dennis Padilla, kalakip ang kanyang mensahe para kay Claudia kung saan inamin niyang labis na niya itong namimiss.


“So beautiful anak… Miss you! God bless you more. Advance happy birthday, Claui."


Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng pahayag si Dennis Padilla kung saan inamin niyang gusto na niyang makipag-ayos sa kanyang mga anak sa dating asawa na si Marjorie Barretto.


Sa kabila nito, patuloy naman ang pananahimik ng mga anak ni Dennis at tila dinidedma lamang ang kanilang ama. Subalit, imbes na tumigil, hindi pa rin nagpapatinag si Dennis at palagi pa ring binabati ang mga ito sa mga special na okasyon.


Samantala, kinaaawaan naman ng ilang mga netizens si Dennis Padilla dahil tumatanda umano itong malayo sa kanya ang mga anak at tila hindi na rin umano ito pinapahalagahan ng mga anak.


Hindi naman maiwasan na maging si Marjorie at mga anak niyang sina Claudia, Leon at Julia ay mabatikos rin ng ilang mga netizens dahil sa ginagawa ng mga ito kay Dennis.


"Hayss mga anak ni Marjorie maganda nga pero maitim sng mga budhi mana c ina lahat"


"iwasan po natin sana kung i post ni Sir dennis kanyang anak hwag tayo basta magsalita tungkol sa kanyang ank saka di natin alam malay mo hindi lang sa social media baka nga nag uusap din yan sila mag ama saka lalo po mapasama c sir dennis sainyo dahil hindi maganda mga sinasabi ninyo sa anak nya"


"Balang araw mag sisisis ang mga anak mo na di ka man lang nila dinadalaw! At pag nangyari yun baggage nila yun habang buhay! Maiksi ang buhay kaya sana maisip yun ng mga anak mo kay marjury"


"Grabe no natitiis ng mga anak ang nag iisang tatay. Mahalin po natin ang ang ating mga magulang habang nabubuhay pa "



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo