Dennis Padilla Iginiit Na Pupunta Siya Sa Kasal Ni Julia Barretto Kahit Hindi Invited

Linggo, Hulyo 30, 2023

/ by Lovely


 Ipinahayag ng aktor na si Dennis Padilla sa kamakailang panayam niya sa showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz na pupunta at pupunta pa rin siya sa kasal ni Julia Barretto.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaayos ang relasyon sa pagitan nina Dennis Padilla at sa kanilang mga anak ni Marjorie Barretto.


Iginiit ni Dennis Padilla na kahit hindi siya imbitahan sa kasal nina Julia Barretto at nobyo nitong si Gerald Anderson ay pupunta pa rin siya.


Hindi naman umano siya manggugulo roon makikinood lamang umano siya dahil kahit papaano ay anak pa rin niya si Julia.


“‘Pag hindi naman nila ako in-invite pupunta ako. Pero hindi ako pupunta du’n para manggulo. Pupunta ako para mapanood ko ang anak ko.”


“Gusto ko makita ikasal ‘yung anak ko, anak ko ‘yun e," pahayag ni Dennis Padilla.


Naniniwala si Dennis Padilla na dapat pa rin umanong hihingi ng permiso sa kanya si Gerald Anderson sakaling yayayain na nito ng kasal ang kanyang anak na si Julia.


Inamin rin niya na dismayado siya kay Gerald Anderson dahil hindi umano siya nito kinakausap kahit may pagkakataon naman umano silang mag-usap sa mga projects na nagkakasama sila.


“Kung gusto talaga ni Gerald akong kausapin dapat kinausap na niya ako,” saad ni Dennis.


Sa tingin umano ni Dennis, kaya hindi siya kinakausap ni Gerald Anderson ay dahil sa kanyang ex-wife na si Marjorie Barretto.


“Ang suspetsa ko dapat good shot siya kay Marjorie, pero sakin bad shot siya,” pagbabahagi ni Dennis.


Matatandaan na ilang beses na ring sinubukan ni Dennis Padilla na makipag-usap sa kanyang mga anak subalit tila hindi pa rin umano siya mapatawad ng mga ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo