Dennis Padilla Binati Si Claudine Barretto Sa Kanyang Birthday!

Biyernes, Hulyo 21, 2023

/ by Lovely

Binati ng Kapuso actor na si Dennis Padilla ang kanyang dating sister in law na si Claudine Barretto sa kaarawan nito.


Nitong July 20, 2023 ipinagdiwang ni Claudine Barretto ang kanyang 44th birthday.


Kaya naman sa isang social media post, isiniwalat ni Dennis ang kanyang heartfelt birthday message para kay Claudine.


Happiiii bday clau... God bless you more,” caption ni Dennis kalakip ang kanilang larawan.


Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para sa kaarawan ni Claudine Barretto mula sa kanyang mga fans at kaibigan.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang hindi maayos na relasyon sa pagitan ni Dennis Padilla at iba pang myembro ng mga Barretto.


Sa katunayan, hanggang ngayon ay hindi parin maayos ang relasyon ni Dennis Padilla sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto hindi pa rin sila maayos na nagkakausap.


Sa kabila nito, patuloy pa rin namang binabati ni Dennis Padilla ang kanyang mga anak sa kabila ng pandededma nito sa kanya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo