Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang naging performance ng Kapuso actor na si David Licauco sa naganap na Miss Grand Philippines noong July 13, 2023.
Marami sa mga nakapanood sa performance ni David ang hindi nasiyahan dahil tila hindi umano nito pinaghandaan. May mga nagsasabi pa na tila lasing ang aktor habang kumakanta ng Wherever You Will Go.
Marami rin ang nainis sa pamunuan ng Miss Grand Philippines kung bakit si David ang napili nilang performer gayung isa lamang itong aktor at hindi kilala sa larangan ng pagpeperform.
"wala na bang energy??? pagod na singer niyo"
"sa dami ng sungers sa pinas,my goodness!!!!paano nalang nwat???buti may kris lawrence,save by the bell.!!!"
"Sana kinanta n'ya "Wonderful Tonight" habang nagsusuklay ng bigote."
Samantala, may mga nagtatanggol naman sa aktor at sinabing binawi naman nito sa kanyang kagwapuhan ang sablay na pagkanta.
“Jusko David buti na lang mahal kita at pogi ka…”
“Hahaha di talaga lahat binibigay ano…”
“Bakit kasi pinipilit pakantahin ang mga artistang hindi naman totoong mga singer.”
“Inaantok na ko eh, pero dahil sa kanta mo David nagising ako. Keep it up! Waaahaha.”
Dahil dito, binalikan ng ilang mga netizens ang sablay ding performance ni Luis Hontiveros sa isang pageant. Matatandaang naokray din at binatikos ng ilang mga netizens ang naging perfomance ni Luis dahil napakasintunado nito at parang hindi man lamang binigyan ng effort ang pagkanta.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!