Hindi nagpahuli ang aktor na si David Licauco sa pagbibigay ng surpresa sa kanyang ka-loveteam na si Barbie Forteza sa ika-26 na kaarawan nito.
Ipinagdiriwang ni Barbie Forteza ang kanyang 26th birthday ngayong July 31, 2023.
Nagkataon namang mayroong photoshoot sina Barbie Forteza, David Licauco at iba pang cast para sa adaptation movie nila sa Maging Sino Ka Man na pinagbibidahan noon nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.
Habang nasa loob ng dressing room si Barbie, naghanda sina David Licauco at iba pa nilang kasamahan sa labas at sinupresa si Barbie ng isang birthday cake.
Gagampanan ni Barbie Forteza ang katauhan ni Monique, na orihinal na ginampanan ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta.
Si David Licauco naman ay lalabas bilang Carding, na binigyang-buhay ng action star at ngayo'y senador na si Robin Padilla sa pelikula.
Labis naman ang kilig na nadarama ng mga BarDa fans lalo na't makikita umano sa mukha ni Barbie na kinilig din siya sa pasurprise ni David.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!