Dating Eat Bulaga Creative Head, Jeny Ferre, Humihingi Ng Milyon Milyong Piso Mula Sa Tape Inc.

Huwebes, Hulyo 13, 2023

/ by Lovely

 



Gusto ng dating Eat Bulaga Creative Head na si Jeny Ferre na managot ang Television and Production Exponent Inc. (TAPE Inc.) sa paglabag sa copyright at sa paggamit sa kanyang mga concepts ng mga segment na inimbento umano niya para sa Eat Bulaga.


Ayon sa isinampang reklamo nina Jeny Ferre at TVJ, ninanais nilang pigilan ng korte ang pagpapalabas ng TAPE Inc. at GMA7 sa mga Eat Bulaga segments na sila naman umano ang gumawa at ang paggamit mismo ng pamagat na Eat Bulaga.


“Given that plaintiffs are the creative force behind the subject show EAT BULAGA, its elements, musical arrangements, and segments, it follows that plaintiffs own the copyright over (a) the Subject Show EAT BULAGA, its elements and derivative works (such as its jingle/music, and varied logo designs), and its individual segments (such as Pinoy Henyo and Juan For All, All For Juan); and (b) the audiovisual recordings thereof.”


Hiniling din nila na magbayad ang TAPE Inc. ng mahigit 21 million pesos bilang danyos sa walang pahintulot na paggamit ng TAPE Inc. sa mga pag-aari nila.


Matatandaan nauna nang ipinahayag ng TVJ na pagmamay-ari nila ang title na 'Eat Bulag', ang themesong nito at ang mga logo.


Samantala, si Jeny Ferre naman umano ang utak sa likod ng matagumpay na Eat Bulaga segments na Pinoy Henyo, Kalyeserye, Bawal Judgmental, and Juan For All, All For Juan.




Sa kabilang banda, iginiit naman ng TAPE Inc. na pagmamay-ari nila itong lahat dahil nagtatrabaho lamang ang mga ito sa kanila at lahat umano ng mga ideas nila ay pagmamay-ari din nila.


“Wala ba siyang sweldo? Diba, it’s part of her job to create that?” Jalosjos said. “Huwag na natin pahirapan pa. Yung mga writers ng isang show, puwede ba nila i-claim na sa kanila na yun while they’re being paid salaries, allowances?” pagpupunto ng TAPE Inc.


“While you’re being paid to be [a] creative, and then what you created is yours? Is that right?” dagdag pa nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo