Sa isang presscon ng aktres na si Dina Bonnevie para sa kanyang teleserye noong October 22, isiniwalat niya may ikinaiinggitan ang kanyang anak na si Danica Sotto sa sarili nitong hipag na si Kristine Hermosa.
Si Kristine Hermosa ay ang asawa ng kapatid ni Danica Sotto na si Oyo Boy Sotto.
Ayon kay Dina Bonnevie, naiinggit umano ang kanyang anak kay Kristine dahil marami na itong anak.
Sina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto ay mayroon nang limang anak samantalang ang anak ni Danica ay dalawa pa lamang.
Gusto kasi umano ni Danica na magkaroon ng maraming anak.
Tila pinagbigyan naman ng panginoon ang kahilingan ni Danica dahil kamakailan lamang ay isinilang niya ang pangatlo nilang anak ni Marc Pingris.
Samantala, makikita namang napakasaya ngayon ni Danicca Sotto bilang asawa at ina sa tatlong anak nila ni Marc Pingris.
Kamakailan lamang ay masayang ibinahagi ni Danica sa kanyang social media account ang masayang larawan nila ng kanyang tatlong anak na sina Jean Michel, Anielle Micaela, at ang kanilang baby na si Jean-Luc kasama rin nila sa larawan si Marc.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!