Cristy Fermin, Pinayuhan Si Paolo Contis Kung Paano Mawawala Ang Bashing Sa Kanya

Lunes, Hulyo 10, 2023

/ by Lovely


 Nagreact ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin sa naging pahayag ni Paolo Contis sa kanyang mga bashers kung saan hayagan niya itong sinabihang mga b0b0.


Sa recent episode ng kanyang programang Cristy Ferminute, naitalakay niya ang kamakailang interview kay Paolo Contis. Ayon pa kay Manay Cristy Fermin, tila hinahamon umano ni Paolo Contis ang kanyang mga bashers na lalo pa siyang i-bash.


Hindi rin umano nakakatulong kay Paolo Contis ang pag-iwas niya sa usapin ng sustento at pagiging responsableng ama.


“‘Yung pagtawag niya na b*b* sa mga bashers, isa nanaman itong marka ng paghahamon diba, na napakalinaw naman po talaga dito ay kapag inayos ni Paolo Contis ang kanyang problema sa pagpapamilya o sa pagiging ama, mawawala lahat ito, kahit ang mga bashers maiisip nila ay ‘hindi naman pala siya dapat i-bash kasi ginawan niya pala ito ng paraan’,” pahayag ni Cristy.



“Dapat ‘yung hinihingi ng mga bashers, ipakita niya para matigil narin ang mga bad comments na isinusulat ng ating mga kababayan tungkol sa kanya ang mga kababayan natin ay nagpapaalala sa kanya na ganon ang gawin niya, paalala lamang ito sa kanya na tutal may trabaho na siya,” dagdag naman ni Romel Chika.


Naniniwala rin sina Manay Cristy Fermin na titigil lamang ang pambabash kay Paolo Contis kung ipapakita niya sa publiko na totoong nagbago na siya at nagiging responsableng ama sa kanyang mga anak.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo