Cristy Fermin, Nilinaw Ang Isyng Naninigarilyo Ang Aktres Na Si Kathryn Bernardo

Biyernes, Hulyo 21, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng saloobin ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin hinggil sa napapabalitang paninigarilyo ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.


Ayon kay Manay Cristy Fermin, walang katotohanan ang isyung naninigarilyo o nagvi-vape si Kathryn Bernardo. Iginiit pa ni Manay Cristy Fermin na imposibleng naninigarilyo ito dahil noon pa man ay nakasubaybay na siya rito.


Kaya naman, malalaman umano niya kung nagbibisyo na ba si Kathryn Bernardo.


“Agad-agad ibinalita na nagyoyosi daw si Kathryn… Nasubaybayan ko po ang kabataan ng batang ito mula nu’ng malinggetong pa s’ya… Malinggetong ha, hanggang ngayon. Never po, never. Hindi po s’ya nagsisigarilyo,” pahayag ni Cristy Fermin.


Mas makatotohanan pa umano ang isyung umiinom si Kathryn Bernardo dahil umiinom naman talaga ito ocassionally pero hindi ang paninigarilyo.


“’Yong ano lang, painum-inom kapag merong okasyon. Umiinom naman s’ya. Pero never ko s’ya nakita o ninuman na nagyoyosi. One time, totoo ’yon, sa sobrang pag-inom nakalimutan n’ya ang bag n’ya kung saan n’ya inilagay. Hahaha! Hanap s’ya nang hanap. Pero ’yong pagyoyosi? Malayo sa katotohanan,” pahayag ni Cristy Fermin.


 Matatandaan na naging usap-usapan sa social media ang umano'y paninigarilyo ni Kathryn dahil may ilang mga fans na nakakita umano rito na may hawak na vape.


“Sana nahihiwalay po natin ’yong trabaho sa pagkatao. Role po n’ya ’yon na nagbi-vape s’ya. Ganu’n, gumagamit s’ya ng vape dahil sa role n’ya. Hindi po s’ya nagyoyosi. Never! Naku si Kathryn pa.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo