Cristy Fermin, Napahiya Na Kakasuhan Pa ng TAPE INC.

Lunes, Hulyo 10, 2023

/ by Lovely


 Tila labis na napahiya ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin matapos ang kanyang mga pahayag na umano'y matitigil na ang Eat Bulaga sa darating na July 29, 2023.


Ipinahayag pa ni Manay Cristy Fermin na nalulugi na umano ang TAPE Inc. matapos ang sunod-sunod na pagback out ng kanilang mga advertisers.


Subalit, ayon sa naging pahayag ng legal council ng TAPE Inc., na si Atty. Maggie Garduque walang katotohanan ang napapabalitang matitigil na ang show sa darating na July 29, 2023.


“Masaya ang show and the rating would speak for itself… This is a testament that people like the show. Thus, apt for the execution of long-term contract with the hosts, simula kina Yorme at Paolo, at sa susunod na linggo, ang iba pang hosts,” saad nito.


Ipinahayag pa nila na ang pagtaas ng kanilang ratings ay nagpapatunay lamang ba may nanonood pa rin sa kanilang show.


Sa kabilang banda, usap-usapan naman ngayon ang mga isiniwalat ni Ogie Diaz kung saan nakarating umano sa kanila na maaring magsampa ng kaso ang TAPE Inc. sa mga taong patuloy na naninira sa kanilang show.


“Baka daw mag-take sila ng legal action doon sa mga nagpapakalat ng balita na ganoon,” saad ni Mama Loi. 


“Kasi syempre maapektuhan ang image ng show doon sa pagkakaroon ng agam-agam ng mga advertisers,” dagdag pa niya.


Matatandaan na nauna nang isiniwalat ni Manay Cristy Fermin na matitigil na ang Eat Bulaga dahil nawalan na umano ng confidence ang mga advertisers nito. Dahil dito, hinuha ng mga netizens na kakaharapan ngayon ni Cristy Fermin ang legal case ng TAPE Inc.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo