Naniniwala ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin na matitigil na ang Eat Bulaga sa katapusan ng July dahil sa pag back out ng mga major sponsors nito.
Isiniwalat pa ni Cristy Fermin na mula nang magkaroon ng internal conflict sa loob ng Eat Bulaga noong buwan ng Marso, marami na sa mga advertisers ng show ang nagdalawang isip na ipagpatuloy ang kanilang kontrata sa TAPE Inc.
“Negosyante ka. Kunwari alam mo ang pasok at labas ng iyong ROI, di ba ‘yung return of investment. Kapag alam mo na iyong isinusugal mo sa isang negosyo ay hindi compensated ng pumapasok, isasakripisyo mo iyan e. Dun ka sa kumikita. Walang negosyante na nagnegosyo para lang magpatalo,” pagsisiwalat ni Manay Cristy Fermin.
“Kapag walang usok, walang apoy kaya kailangan talaga pinaninindigan kung ano ang totoo. Tutal mahilig kayo magpa-interview, linawin n’yo na hindi totoo iyan,” dagdag pang hamon ni Cristy Fermin.
Gayunpaman, naniniwala naman umano si Manay Cristy Fermin na mapera ang mga Jalosjos, kaya naman kaya umano nilang magproduce ng show sa kabila ng kakulangan ng sponsors para sagipin ang kanilang pride.
“Dahil kung pride po ang paiikutin at paiiralin, mayaman ang mga Jalosjos. Kayang-kayang sumugal. Kayang-kayang magpakawala ng ilan pang milyones, huwag lang maisangla ang kanilang kahihiyan sa publiko. Pero gaano po katotoo, na hanggang katapusan na lang po ng Hulyo ang inyong programang ito, ang hindi lehitimong Eat Bulaga?”
Samantala, nagbigay na ng pahayag ang kampo ng mga Jalosjos at pinabulaanan ang pahayag na ito ni Cristy Fermin. Ibinida pa nila na maayos naman ang takbo ng kanilang segments sa show.
Ayon pa sa lawyer ng TAPE, handa silang gumawa ng legal actions para sa mga taong nagkakalat umano ng mga maling impormasyon laban sa kanila.
Samantala, patuloy naman ang paghahanda ng mga panibagong Eat Bulaga hosts sa darating na 44 years anniversary celebration ng Eat Bulaga.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!