Hindi na umano ikinagulat ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang hiwalayan ngayon nina Kris Aquino at Mark Leviste.
Sa kamakailang episode ng Cristy Ferminute, naitalakay ni Manay Cristy Fermin ang ibinahaging Instagram post ni Kris Aquino kung saan isiniwalat nito na nakipaghiwalay na siya sa kanyang boyfriend na si Batangas Vice Governor Mark Leviste.
Isa sa mga ibinigay na dahilan ni Kris ay ang distance sa pagitan nila at ang kanyang lumalalang kalagayan ngayon habang patuloy pa rin nakikipaglaban sa kanyang mga karamdaman.
“I asked Marc for a pause because with my condition the way it is now, i’m self aware enough to know that a long distance relationship will be next to impossible for us to maintain,” pag-amin ni Kris Aquino.
Hindi naman umano ito kagulat-gulat pa, ayon kay Manay Cristy Fermin dahil noon pa man ay kilala na ang Queen of All Media na malas sa buhay pag-ibig.
“Alam mo si Kris Aquino, mas magugulat pa ako kung mayroong lumusot na daga dito sa harapan ko ngayon. Pero ‘yung makipagrelasyon si Kris tapos biglang brinake at wala na tapos na, wala na, hindi na ako magugulat.”
“Ilang beses ko na bang nasaksihan ‘yan at tayong lahat po ay saksi sa kuwento ni Kris na paulit-ulit na lang… Nakakagulat pa ba ‘to? May bago pa ba? Waley! History repeats itself,” pagsisiwalat ni Cristy Fermin.
Matatandaan na ilang lalaki na rin ang nakarelasyon noon ni Kris Aquino kabilang na sina Alvin Patriomonio, Gabby Concepcion, Philip Salvador, Joey Marquez, James Yap, at Mel Sarmiento.
Subalit bigla na lamang mapapabalitang nakipaghiwalay na pala mismo si Kris.
Samantala, marami naman ang nagpa-abot sa kanilang prayers dahil sa kalagayan ngayon ni Kris Aquino habang tuloy-tuloy pa rin ang treatment.
Marami ang humihiling na sana'y malagpasan itong lahat ni Kris Aquino at manumbalik sa dati ang kanyang pangangatawan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!