Clone Ni Maine Mendoza na si Mari Jean Montecillo, Nilinaw Na Ang Isyung Siya Ang Pinakasalan Ni Arjo Atayde

Linggo, Hulyo 30, 2023

/ by Lovely


 Ipinagpipilitan pa rin ng ilang mga Aldub fans na peke ang naganap na kasalan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde noong July 28, 2023.


Ayon sa ilang mga AlDub fans, hindi si Maine Mendoza ang pinakasalan ni Arjo Atayde kundi ang 'clone' nito na si Mari Jean Montecillo.


Mga edited lamang din umano ang mga kumakalat na wedding photos ng dalawa.


Subalit, tila nabigyan ng linaw ang lahat ng magsalita na si Mari Jean Montecillo kung saan sinabi niyang walang katotohanan ang mga pahayag ng fans.


Ibinahagi ni Mari Jean sa kanyang Facebook account ang balitang siya umano ang pinakasalan ni Arjo Atayde para ipaniwala sa mga netizens na totoo ang kasal gayung si Maine ay kasal na kay Alden.


Sa caption ipinahayag ni Mari Jean na fake news ang nakalap ng aldub fan. Ipinahayag pa niya sa comment section ng kanyang post na totoong ikinasal na siya pero hindi kay Arjo Atayde.


“Ayan ha fake news! Hahaha!” caption ni Mari Jean.


Samantala, naniniwala naman ang ilang mga netizens na naging delusional na ang mga AlDub fans dahil dalang-dala sila sa tambalan ng mga ito na nagsimula sa Eat Bulaga.


Buong akala ng mga ito na hindi scripted ang ginagawa nina Alden at Maine sa show na Eat Bulaga dahil makatotohanan naman ang show at hindi kagaya sa mga palabas.


Marami rin ang nasaktan noong biglaan na lamang tinapos ng dalawa ang kanilang loveteam na tumagal rin ng ilang taon.


“No matter how wild, weird or downright tragic the events in their personal lives were in 2015, they CAN rely on Aldub to make them feel good for a while and even make them feel good about themselves. So when Aldub discontinued, it felt like a betrayal. The one source of certainty in their life was shattered.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo