Claudine Barretto, Pinagbawalan Ng Pamilya Ni Rico Yan Noon Na Lumapit Sa Kaba0ng Ng Yuma0ng Aktor

Lunes, Hulyo 17, 2023

/ by Lovely


 Kinumpirma ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang matagal nang haka-haka tungkol sa pagbabawal umano ng pamilya Rico Yan, sa paglapit at pagsilip ni Claudine Barretto sa kabaong ng yumaong aktor.


Sa kamakailang episode ng Showbiz Now Na, isiniwalat ni Manay Cristy Fermin, na hindi umano pumayag noon ang pamilya ni Rico Yan na makalapit at makasilip si Claudine si Claudine sa labi ni Rico.


Kaya naman, nakiusap umano sa kanya noon si Claudine na itapat sa tenga ni Rico ang kanyang telepono upang kahit  papaano ay makausap niya ito sa huling pagkakatao.


“Noong nakaburol si Rico Yan sa De La Salle Greenhills, hindi rin pinalalapit si Claudine noon ng pamilya ni Rico Yan eh. Bawal siyang sumilip doon sa kabaong,” pagsisiwalat ni Cristy Fermin.


“Ang nangyari noon para lamang makausap ni Claudine si Rico, nakiusap siya sakin, ‘Nay pwede po ba ‘yung telepono niyo ay pakitapat niyo sa tenga ni Rico sa loob ng kabaong.


“Alam mo matagal kong tiniis ‘yun, matagal na panahon ‘yon, talagang habang nagsasalita siya nakikinig ako at humahagulgol siya. ‘I love you so much, I’m sorry’ itinatapat ko ‘yun sa tenga ni Rico Yan habang nasa kabaong,” paglilinaw pa ni Cristy Fermin.


Ayon pa sa pagsisiwalat ni Manay Cristy Fermin, nakatanggap noon ng pambabatikos si Claudine Barretto dahil siya ang sinisisi ng ilang mga netizens sa pagkamatay ni Rico Yan.


Subalit, kailanman ay hindi man lang sinagot at nanahimik lamang si Claudine sa lahat ng mga bumabatikos sa kanya.


Kaya naman, labis na naiinis si Cristy Fermin sa mga pagsisiwalat ni Sabrina M. na umano'y magkarelasyon sila ni Rico kahit pa wala naman umano itong katotohanan.


“Gaano kakapal ang mukha ng isang tao na kayang mag-imbento tungkol sa isang pumanaw na hindi na kayang idepensa ang sarili,” saad ni Manay Cristy Fermin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo