Nagbigay ng pahayag ang aktres na si Claudine Barretto hinggil sa isyung nababalita may kaugnay sa pagsisiwalat ni Sabrina M sa relasyon di umano nila ni Rico Yan noong nabubuhay pa ang dating actor.
Galit na galit umano si Claudine ng marinig ang mga kasinungalingan ng dating sexy star, wala umanong katotohanan ang mga sinabi ni Sabrina M lalo na sa claim nito na alam niya ang relasyon nila ng yumaong matinee idol.
Tinalakay na rin ito sa Youtube channel ni Ogie Diaz, kung saan ipinahayag niyang imbyernang-imbyerna si Claudine nang marinig mismo nito ang mga sinabi ni Sabrina sa isang panayam.
Sa galit pa umano ni Claudine ay nakapagbanta ito na ididemanda niya ang dating sexy star. Gayunpaman, hindi pa umano ito final dahil inaalam pa ni Claudine kung ano ang pwedeng isampang kaso kay Sabrinal sa paggamit nito sa kanyang pangalan at ni Rico para lang magpapansin sa media.
Samantala ang mismong kaibigan naman ni Sabrina na si Katrina Paula ay nagsalita na rin. Pinabulaanan din nito ang mga ibinulgar ni Sabrina M, hindi daw totoo na nagkaroon ng relasyon sina Sabrina M at ang yumaong aktor na si Rico Yan.
Ipinahayag ito mismo ni Katrina sa programa ni Manay Cristy Fermin na Cristy Ferminute, ayon kay katrina Paula matagal silang naging magkaibaigan ni Sabrina M. kung totoo daw na higit sa isang taon ang relasyon ng dalawa imposible umanong hindi nya ito alam.
Maaari umanong nagkatikiman lamang sina Rico Yan dahil ang naalala umano niya ay nagkaroon sila ng bonding noon ng sexy star kasama ang wattamen na kina bibilangan nina Dominic Ochoa, Marvin Agustin at Rico Yan sa Clark.
Inamin din ni Katrina Paula na maging siya ay nakipaglandian din noon kay Marvin at marahil ganun lang din ang nangyari between Rico and Sabrina. Wala daw siyang napansin in 2 years na nagkaroon ng relasyon sina Rico at Sabrina.
Samantala sinabi din ni Katrina Paula na pinakiusapan din siya ni Clauidine na sana ay pagsabihan daw si Sabrina na tigilan na ang mga iniimbentong mga kwento tungkol sa sinasabi niyang nakaraan nila ni Rico.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!