Pinag-uusapan pa rin ngayon sa ilang mga social media ang isyung kinakaharap ng Mobile Legends Pro Player na si Ch4knu o Joshua Mangilog sa totoong buhay.
Kinakaharap ni Ch4knu ang isyung nagloko umano siya sa kanyang ex-girlfriend na si Yskaela, ito'y matapos ilabas ng isang babae ang mga screenshots ng umano'y conversation nila.
Ang babae umanong ito ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Ch4knu at Yskaela.
Matatandaan na kinakikiligan ng mga netizens noon ang hindi maitatagong chemistry nina Yskaela at Ch4nu. Kalaunan ay inamin rin ng dalawa na may romantic relationship na sila.
Subalit, ginulat ng dalawa ang kanilang mga fans matapos aminin na naghiwalay na sila. Sa kabila nito, pinili ng dalawa na hindi magbigay ng dahilan kung bakit pinili nilang tuldukan ang kanilang relasyon.
Gayunpaman, marami ang bumatikos noon kay Yskaela dahil sa umano'y panggagamit lamang niya sa kasikatan ni Ch4knu para sa maraming tumangkilik sa kanyang vlog.
Sa huli ay nanatiling tikom ang bibig ni Yskaela at hindi na lamang pinatulan ang mga nambabatikos sa kanya.
Samantala, dahil sa pagkalat online ng mga screenshot mula sa mga netizens kung saan mababasang mag nilalandi itong babae noon at humihiling pa ng mga maseselang larawan, marami ang naghinalang ito na ang hinihintay na dahilan ng hiwalayan nina Ch4knu at Yskaela.
Ang nasabing conversation ay naganap 2 years ago kung saan sa mga panahong ito ay magkarelasyon pa sina Ch4knu at Yskaela.
"My video got reported sa tiktok, ayaw ko na sana i bring up yung topic since 2021 pa then yung realization after having a conversation with ate Yskaela gave me confidence to voice this out.
"16 years old lang ako that time and he's asking me things like that plus he asked me to have a day with him at Tagaytay, I thought it will be at skyranch since uso yon before, then nagulat ako nung nagsabi siya na we're going to have seggs sa Tagaytay.
"After that he said that "Wag ka mag alala ipapa grab naman kita pauwi". I tried to post him before pero without name and alam ko na aware siya kasi he unfollowed me sa lahat ng socials niya," pahayag ng babae kalakip ang mga screenshots ng conversation nilang dalawa ni Ch4knu.
Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens, marami ang hindi makapaniwala na nagawa ito ni Ch4knu habang nasa isang relasyon pa ito.
Marami rin ang mga nadismaya kay Ch4knu dahil sa kanyang ginawa kay Yskaela at sa pagyaya niya sa isang minor.
Sa kabilang banda, marami naman ang nagsasabing hindi naman kasalanang lahat ni Ch4knu dahil tila nagbigay rin naman ng motibo ang babae.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!