Cesar Montano, Nagbabalak Pa Ring Pasukin Ang Pulitika?

Biyernes, Hulyo 21, 2023

/ by Lovely


 Sinagot na ng beteranong aktor na si Cesar Montano ang katanungan ng ilang mga netizens kung nagbabalak pa rin ba siyang tumakbo sa pulitika at ipagpatuloy ang nasimulan na ring political career.


Kabilang sa mga sikat na artista ang aktor na si Cesar Montano na sinubukang pumasok rin sa pulitika. Siya ay isang beteranong action star at nakagawa na ng ilang matagumpay na pelikula at serye sa telebisyon.


Kamakailan lamang ay nakakuha ng degree si Cesar Montano sa Public Safety Administration at Philippine Public Safety College. Ginawa ni Cesar Montano ang lahat ng kanyang makakaya at nakapagtapos sa nasabing degree sa loob lamang ng isang taon.


Kaya naman sa pagkakakuha ng nasabing degree, marami ang napapatanong kung ipapapatuloy na ba niya ang kanyang political career.


Ayon naman kay Cesar Montano, hindi pa siya sigurado sa ngayon kung ipagpapatuloy pa ba niya ang kanyang political career.


“Siguro my best answer to that, is I’ll just the cross the bridge when I get there siguro. Ayoko muna… baka mamaya mali pa ang aking masabi. Hindi natin alam in the future, e.”


Sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin si Cesar Montano dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makapag-aral ng Public Safety. Sa ngayon naka focus lamang umano siya sa kanyang showbiz career at sa kanyang pamilya.


Ibinahagi pa niya na may upcoming teleserye siya na ipapalabas sa TV5 na pinamagatang Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan.


Matatandaan na nagsilbing chief operating officer sa Tourism Promotions Board ng Department of Tourism si Cesar Montano noong 2016.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo