Carlo Aquino at Charlie Dizon, Kinumpirma Na Ang Kanilang Relasyon!

Biyernes, Hulyo 21, 2023

/ by Lovely


 Kinumpirma na ng aktres na si Charlie Dizon na may romantic relationship na sila ng aktor na si Carlo Aquino.


Nangyari ang pag-amin ni Charlie Dizon sa naging guesting nila ni Joseph Marco sa TV5 morning show na “Gud Morning Kapatid” nitong Huwebes, July 20, 2023 para i-promote ang kanilang teleseryeng Pira-Pirasong Paraiso.


Nagkaroon sila ng palaro kung saan may mga larawang ipinapakita sa screen kung saan sasabihin nila ang kanilang mga relasyon.


Unang lumabas sa screen ang larawan ng Russian model girlfriend ni Joseph na si Dasha Romanova at sinabi niyang “That’s my girl.”


Kasunod namang lumabas ang larawan ni Carlo Aquino at dito na nga inamin ni Charlie na boyfriend na niya ang aktor.


“Opo, boyfriend ko po.”


Ayon kay Charlie Dizon na kamakailan lamang naging sila officially. Ito rin umano ang kauna-unahang pagkakataon na inamin niya sa publiko ang romantic relationship nila ni Carlo Aquino.


Matatandaan na nauna nang inamin nina Carlo Aquino at Charlie Dizon na nagdidate na silang dalawa mula pa noong nakaraang taon. Sa kabila nito, nilinaw naman ni Carlo Aquino na hindi si Charlie Dizon ang dahilan ng hiwalayan nila noon ni Trina Candaza.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo