Muli na namang naging laman sa mga usap-usapan online ang panibagong Eat Bulaga host na si Buboy Villar matapos ang ginawa nitong pagkain sa carenderia ng nanalo sa 'G sa Gedli' segment ng Eat Bulaga.
Makikita sa isang Facebook post ang pagkain ni Buboy Villar sa karenderya ni Aling Agnes, ang nanalo sa G sa Gedli, habang kinakausap naman ito ni Isko Moreno.
Marami ang nagsasabing tila ginagawa umano ni Buboy ang style ng dating Eat Bulaga host na si Jose Manalo.
Matatandaan na palagi ring kumakain si Jose Manalo noon sa mga napanalunang pagkain sa 'Juan for All, All for Juan' segment ng Eat Bulaga.
Dahil dito, muling binabatikos ngayon si Buboy Villar. Wala umano itong originality kagaya ng TAPE Inc. at hindi umano marunong mag-isip ng mga panibagong styles para makakuha sa pansin ng mga manonood.
“Galawang Jose Manalo yarn.”
“Hirap gayahin ni jose no buboy peace.”
“Hanggang dyan ba nman sa segment nio na yan wala parin originality , buboy hindi mo kayang pantayan si jose , obvious naman na ginagaya mo sya.”
Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na binatikos ang mga bagong Eat Bulaga host dahil sa panggagaya umano ng mga ito sa mga styles ng mga naunang hosts ng show.
Samantala, may ilang mga netizens naman na nagtatanggol sa mga panibagong hosts ng Eat Bulaga kung saan ipinahayag nilang pabayaan na lamang ang mga hosts ngayon ng Eat Bulaga dahil ginagawa lamang ng mga ito ang kanilang trabaho.
May mga nagpapayo pang sana ay magmove on na ang lahat dahil may panibagong hosts na ngayon ang Eat Bulaga at may sariling show na rin ang TVJ kasama ng iba pang mga dating hosts ng Eat Bulaga.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!