Muli na naman naging laman ng usap-usapan ngayon sa social media ang mga panibagong host ng Eat Bulaga na sina Buboy Villar at Betongf Sumaya, matapos mapansin ng mga televiewers na ginagaya pa rin nila ang ginawang gimik noon ng mga dating hosts ng Eat Bulaga.
Sa episode noong July 22, 2023, kapansin-pansin ang paggaya nina Buboy Villar at Betong Sumaya na naging sina 'Duminadora' at 'Eksenadora' sa dating Kalye Serye's Kalye Angels na 'Dora Sisters'.
Matatandaang ang Kalye Angels, na kilala rin bilang Dora Sisters ng ilang Eat Bulaga fans, ay pinasikat ni Wally Bayola bilang Lola Nidora, Jose Manalo bilang Lola Tinidora, at Paolo Ballesteros bilang Lola Tidora.
Ang nasabing mga karakter ay gumanap bilang overly-protective guardians ni ‘Yaya Dub,’ na ginampanan naman ni Maine Mendoza.
Agad naman itong umani ng pambabatikos mula sa mga netizens dahil wala umano originality ang mga panibagong hosts ng show at palagi na lamang gumagaya sa naging gimik noon ng mga dating Eat Bulaga hosts.
“Jusko Wala tlagang originality. Puro panggaya ang kaya.”
“Sayang ang talent nyo.nagpapagamit kayo at gumagaya.wala ba kayong sailing pag isip at gusto nyo lang na manggaya.kakainis.”
“Nakakahiya puro nalang kayo gaya napanood n ng tao yan oyy mahiya nman kayo.”
Samantala, ongoing pa rin ang kasong Copyright Infringement na isinampa ng TVJ laban sa TAPE Inc. at sa GMA7. Layon ng TVJ na itigil na ng TAPE Inc. ang paggamit sa pamagat na Eat Bulaga at sa ibang mga concepts ng mga segments.
Nauna na ring ipinahayag ng TVJ na sila ang nagmamay-ari sa titulong 'Eat Bulaga' dahil sila umano ang nakaisip nito.
Sa kabila nito, patuloy pa rin na naninindigan ang TAPE Inc. na sila ang may karapatan sa show dahil nasa kanila umano ang trademark ng show at mga empleyado lamang ang TVJ.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!