Bouncer Na Umawat Kay Awra Briguela Sa Bar Magsasampa Rin Ng Kaso

Linggo, Hulyo 2, 2023

/ by Lovely


 Hindi pa rin humuhupa ang kontrobersiya kasunod ng pagkakaaresto sa actor na si Awra Briguela kasunod ng pagkakasali nito sa isang rambulan sa bar sa Poblacion, Makati.


Kasunod nito nagkaroon ng samu't-saring usapin hinggil sa pinagmulan ng gulo.


Ayon sa nagpakilalang complainant, naging agresibo bigla si Awra matapos hindi niya tuparin ang dare na maghubad ng pantalon.


Si Awra din umano ang naunang mamisikal hanggang sa labas ng bar kung saan nagkagulo na nga sila.


Agad naman itong pinabulaanan ng ilang mga kaibigan ni Awra at pinalabas na naunang nambastos ang mga lalaki at ipinagtanggol lamang umano sila ng kaibigan.


Samantala, sa mga kumakalat na CCTV footages at videos, hindi naman nila nakita roon ang sinasabing pambabastos ng mga lalaki sa sinasabing kaibigan ni Awra.


Pinapatunayan din ng mga kuhang ito ang pahayag ng complainant.


Samantala, kumakalat ngayon ang panibagong update kung saan sinasabing nagsalita na ang isa sa mga bouncer ng bar at handa rin umano itong magsampa ng kaso.


Ayon sa bouncer, nakabantay na siya kay Awra mula pa lamang ng magkainitan ang dalawang panig. Ilang beses din umano niya itong sinaway dahil sumusobra na ang pinaggagawa nito.


"Pinipilit siyang pakalmahin pero hindi pa rin siya kumakalma," pahayag ng bouncer na nagpakilalang si Onin.


Sinabi rin nito na kitang-kita niya kung paanong nagpupumiglas si Awra nang ipinapasok na ito ng mga pulis sa patrol car. 


"Kahit sa pulis galit na galit din siya. Tinatadyakan po niya 'yon," dagdag pa nito.


Pinabulaanan din ng nasabing bouncer ang sinasabing pambabastos ng mga lalaki sa kasamahan ni Awra ng gabing iyon. Nireview din umano nila ng ilang ulit ang CCTV footages at wala umano silang nakita.


Ipinakita rin ni Onin ang kanyang bukol at kalmot mula kay Awra Briguela, dahil dito kumbinsido na rin siyang magsampa ng kaso laban sa actor.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo