Bianca Umali At Kathryn Bernardo, Pinagkumpara Sino Ang Mas Ma-Attitude?

Linggo, Hulyo 9, 2023

/ by Lovely


 Naging usap-usapan ngayon sa iba't-ibang social media platforms at ilang mga entertainment sites ang video ni Bianca Umali sa isang restaurant.


Binati ng ilang mga restaurant staff si Bianca Umali subalit, kumaway lamang ito at ngumiti ng kunti sa mga ito saka patuloy na naglakad.


Bagama't nagwave si Bianca may ilan pa ring mga netizens ang nababanas dahil sa tila pilit umano nitong ngiti at ni hindi rin umano ito lumingon sa mga bumati.


May mga nagsasabi pang parang Hollywood star umano ito kung umasta.


Subalit, agad naman siyang ipinagtanggol ng kanyang mga fans at sinabing hindi naman siya pumunta sa restaurant para makipag meet sa mga fans.


Halata rin umano ang pagod sa mukha ni Bianca Umali at baka gutom lamang ang aktres.


"mga tao dito kala mga 'di napapagod eh, tao rin naman 'yan kagaya niyo, so ano naman kung hindi nag salita, nag wave naman at nag smile ah?"


"she looks tired. but she made it to smile and wave parin"


"nameet ko na yan sobrang Humble,since then I became a fan"


"gusto lng dn cguro dn nang iba na mag respond sya like"good evening din" just like that maybe,, it's just a thought tho."


Sa kabilang banda, binalikan naman ng ilang mga netizens ang dating video ni Kathryn Bernardo kung saan binati rin ito ng kanyang mga fans.


Makikita sa nasabing video ang malaking ngiti ni Kathryn sabay kaway sa kanyang mga tagahanga. Dahil sa video itong hindi naiwasan ng ilang mga netizens na pagkumparahin ang dalawang aktres.


May mga nagsasabing mas approachable at mas mabait sa mga fans si Kathryn Bernardo kaysa kay Bianca Umali na feeling Superstar umano.


Muli namang ipinagtanggol ng mga fans si Bianca Umali at sinabing kumaway at ngumiti naman ang aktres ang kaibahan lamang ay mas malaki ang ngiti ni Kathryn.


Ipinunto rin nila na minsan ay nababadtrip rin at nasa hindi magandang mood ang mga artista.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo