Bilang isa sa mga malalapit na kaibigan ni Claudine Barretto hindi maiiwasan na maitanong ng ilang press people kay Bianca Lapus kung ano ang magiging hakbang ng aktres sa pagsisiwalat ni Sabrina M. sa umano'y naging relasyon nila ni Rico Yan.
Ayon kay Bianca Lapus, siya ang unang nagreach out kay Claudine at nagtanong rito dahil alam umano niyang tatanungin din siya ng press tungkol sa isyu nina Sabrina M at Rico Yan, dahil magkakaroon siya ng presscon.
Expected na umano ito ni Bianca Lapus dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malapit sila sa isa't-isa.
Ayon kay Bianca, sinabi mismo ni Claudine Barretto sa kanya na hindi na ito magsasayang pa ng oras at pera na idemanda si Sabrina dahil hindi naman umano niya ito kilala.
Subalit, taliwas ito sa mga naunang mga ulat na naghahanda na umano si Claudine ng kaso para kay Sabrina. Taliwas din ito sa naging pahayag noon ni Sabrina na may alam naman umano si Claudine Barretto sa relasyon nila ni Rico Yan.
Isiniwalat din ni Bianca Lapus na noong lumabas ang panayam ni Sabrina kung saan inamin nga nito ang relasyon nila ni Rico Yan ay nagtatawanan lamang sila.
Coincidence lang din umano ang pagkikita nina Claudine Barretto at Katrina Paula dahil nagkasama sila sa iisang movie.
Maging si Bianca Lapus ay sinabi rin na napaka-imposible na nagkarelasyon sina Rico Yan at Sabrina M nang matagal na inabot pa ng ilang taon dahil hindi umano nagkakatugma ang mga timelines.
Nainis na natatawa pa umano si Claudine Barretto sa pahayag ni Sabrina na alam ni Claudine ang sinasabi niyang secret relationship nila ni Rico Yan dahil hindi naman umano kilala ng personal ni Claudine si Sabrina M.
Samantala, naglabas naman ng sariling opinyon si Bianca Lapus kay Sabrina. Ayon sa kanya, wala naman siyang masamang masabi rito dahil acquinted naman sila sa isa't-isa at mabait naman umano ito.
Ang hindi lamang umano niya naiintindihan ay kung bakit kinakailangan pa nitong idamay ang pangalan nina Claudine Barretto at lalong lalo na ni Rico Yan na matagal nang nananahimik.
Muli ding ipinagdidiinan ni Bianca Lapus na hindi magsasampa ng kaso si Claudine kay Sabrina M. dahil hindi naman umano sila magkakilala.
Subalit, hindi niya alam kung ang pamilya mismo ni Rico Yan ang magpa-file ng case. Ang nakarating lamang umano sa kanya ay kung magtuloy-tuloy pa ang mga kasinungalingan ni Sabrina ay doon na gagawa ng legal actions ang mga ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!