Hanggang ngayon ay binabatikos pa rin ng ilang mga televiewers ang mga pumalit na hosts sa TVJ at iba pang legit Dabarkads sa Eat Bulaga.
Kaya naman, sa isang panayam, hayagang sinagot ng isang panibagong host sa rebranded Eat Bulaga na si Betong Sumaya ang mga pambabatikos sa kanila ng ilang mga netizens.
Muling iginiit ni Betong Sumaya na hindi niya tinanggap ang offer ng TAPE Inc. na maging host ng Eat Bulaga para palitan ang TVJ kundi nais lamang umano niyang ipagpatuloy ang mga nasimulan ng mga ito.
Dahil dito, hinihiling ni Betong Sumaya na sana ay intindihin naman sila ng mga televiewers. Ito'y kasunod sa mga pambabatikos na natatanggap niya at kanyang mga kasamahan dahil sa umano'y pangagaya nila sa mga styles ng naunang hosts ng Eat Bulaga.
“Trabaho natin na mag-entertain ng tao and this is my work. Alam namin iyong kanilang sentimyento, ang kanilang suporta sa TVJ, pero sana maintindihan nila na kailangan din namin po itong gawin bilang part po ng trabaho,” pahayag ni Betong.
“Wala kaming hangarin na palitan sila pero ipagpapatuloy [namin] iyong kanilang nasimulan and iyon sana, bigyan din kami ng chance na makapagpasaya ng mga tao,” dagdag pa nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!