Betong Sumaya, Emosyunal Sa Ibinahaging Mensahe Sa First Monthsary Ng Revamped Eat Bulaga

Lunes, Hulyo 3, 2023

/ by Lovely


 Ipinahayag ni Betong Sumaya sa kanyang social media post ang kanyang emosyunal na mensahe sa first monthsary ng revamped Eat Bulaga, kung saan isa siya sa panibagong host.


Ipinahayag ni Betong sa kanyang social media post ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga 'ka-EB' na patuloy na sumusuporta sa kanila sa kabila ng pinagdaanan nilang pambabatikos mula sa mga fans ng TVJ.


Ibinahagi din ni Betong sa kanyang 9 minute video ang ilang mga masasayang moments ng Eat Bulaga.


“To GOD always be the glory,” caption ni Betong sa kanyang video.


Mensahe pa ni Betong sa lahat ng mga Ka-EB, “Amazing 1st Monthsary po sa atin mga Ka-EB. Salamat po sa mga patuloy na naniwala, sumuporta at nagmamahal sa ating show.”


“Pagsisikapan namin na gawin pang maayos ang aming mga trabaho para patuloy na magbigay ng saya at pag asa sa nga manonood.”


Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at televiewers ng noontime show.


"PWede ba manood Jan lods walking distance lang Yan sa bahay Namin eh pero di pa ako nakakapasok jan"


"Congratulations po"


"Support lang, Sir Betong! Nothing but love!"


Matatandaan na kabilang sa mga nababatikos dahil sa pagtanggap sa offer ng TAPE Inc. si Betong Sumaya. Matapos niyang palitan ang TVJ at iba pang legit dabarkads sa pagiging hosts ng Eat Bulaga.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo