Beauty Gonzales Binabatikos Dahil Sa Suot Na Mga Excavated Jewelry!

Miyerkules, Hulyo 26, 2023

/ by Lovely


 Pinahanga ng actress na si Beauty Gonzales ang mga netizens sa kanyang outfit at mga suot na accessories sa naganap na GMA Gala 2023.


Subalit, napansin ng ilang mga academics ang suot na kwintas si Beauty Gonzales na nagpahanga sa ilang mga netizens.


Ayon sa ilang academics, nagmula sa mga libingan ang mga alahas na suot ni Beauty Gonzales. Ginamit umano ito ng mga sinaunang tao upang takpan ang mga mata at bibig ng mga yumao upang hindi mapasukan ng mga masasamang espiritu.


Ang mga alahas na isinuot ni Beauty ay dapat umanong i-display sa mga museum na pag-aari ng gobyerno o sa Bangko Sentral ng Pilipinas dahil pagmamay-ari naman umano ito ng mga sinaunang tao.


“Sure, the owners have been dead for a thousand years. BUT. This fashion victim is wearing mouth and eye covers: around 10 of them. Which is to say that the necklace was fashioned from excavations of many individuals. That is an astounding number of desecrated graves!” pahayag ng isang art critic.


Samantala, ibinahagi naman ng isang historian ng University of the Philippines na si Alvin D. Campomanes, ang kwento sa likod ng mga alahas na isinuot ni Beauty Gonzales.


“Ayon sa mga antrop√≥logo at historyador-pangkultura, sadyang sinusuotan ng mga ninuno natin ng mga gintong palamuti ang mga bangkay. Madalas, ginagamit itong pantakip sa mga bahagi ng mukha na may butas (i.e. mata, ilong, bibig) upang itaboy ang masasamang espiritung maaari pa ring pumasok sa katawan ng yumao.”


Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag si Beauty Gonzales hinggil sa mga isiniwalat ng mga historian patungkol sa kanyang isinuot na alahas.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo