Bea Alonzo Nagbigay Ng Reaction Sa Napapabalitang Pagpapalit Sa Kanya Ni Julia Barretto

Linggo, Hulyo 16, 2023

/ by Lovely


 Kinumpirma na mismo ng aktres na si Bea Alonzo na hindi na niya magagawa ang project na pagbibidahan sana nila ng aktor na si Alden Richards.


Ito ay ang Philippine Adaptation ng Korean hit movie na A Moment to Remember. Una itong inanunsyo ng VIVA Films noong March 2021. Nauna itong inanunsyo kaysa sa pinagsamahang TV series nina Bea Alonzo at Alden Richards noong August 2021, ang Start Up PH.


"As far as I'm concerned, although parang nasabi yata nila kay SK, before nila ini-announce na somebody is doing it."


Nakarating na rin umano kay Bea Alonzo kung sino ang napipisil na papalit sa kanya sa nasabing pelikula. Ito ay walang iba umano kundi si Julia Barretto.


Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang naging isyu sa pagitan nina Julia Barretto at Bea Alonzo dahil sa actor na si Gerald Anderson na ex-boyfriend ni Bea Alonzo na kasalukuyan namang boyfriend ni Julia.


Naniniwala kasi ang nakakarami na sinulot ni Julia ang aktor at siya ang dahilan kung bakit iniwan ni Gerald si Bea.


Dahil dito, hinuha ng ilang mga netizens na sinadya umanong kay Julia Barretto ibigay ang project na unang inalok kay Bea Alonzo para ipakita sa aktres na hindi kawalan ang kanyang pagtalikod rito.


Subalit, nagreact rito ang aktres na si Bea Alonzo kung saan ipinahayag niyang wala na siya sa desisyon ng mga ito.


"Alam mo, kung ano mang rason, kung sinadya man o hindi, wala na ako roon, kasi wala na ako sa proyekto. Nasa sa kanila na yun."


Naitanong din kay Bea kung ano ang magiging damdamin niya sakaling si Julia Barretto nga ang kinuhang papalit sa kanya.


Agad naman niya itong sinagot, "Wala naman akong.. eto, ang totoo, dahil wala na ako sa project, ayoko rin bigyan ng kahit na anong meaning."


"Unang-una, wala na ako sa project at wala na rin ako sa relasyon na yun. Matagal na.. matagal na tayong naka-move on lahat," paglilinaw naman ng aktres.


Dagdag pa niya, "Siguro, parang hindi na karapat-dapat na pag-usapan pa. At yun nga, paulit-ulit kong sasabihin, everything that's meant for me will not pass me by and what's meant for me will find its way.


"So, that goes with projects as well and in love."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo