Sa kauna-unahang pagkakataon, nagbigay na ng pahayag ang aktres na si Bea Alonzo sa naging usap-usapan noon sa social media na kaya nakansela ang pelikula nila ni Alden Richards dahil hindi sila nagkakasundo.
Sa naging guesting ng aktres na si Bea Alonzo sa Fast Talk with Boy Abunda, hayagan niyang inamin ang hindi pagkakaunawaan nila noon ni Alden Richards.
Gayunpaman, nilinaw ni Bea Alonzo na hindi naman sila ng away sadyang hindi pagkakaunawaan lamang umano ang lahat.
“Truth or lie? Nag-aaway kayo ni Alden,” tanong ni Tito Boy.
“Truth? But actually, lie. Kasi hindi kami nag-away. Nagkaroon kami ng samaan ng loob but hindi kami nag-away,” sagot naman ni Bea Alonzo.
Agad din naman umano nila itong naayos matapos ang ilang araw.
Naitanong din ni Tito Boy Abunda kay Bea kung totoo rin ba na professional issues ang naging dahilan ng kanilang misunderstanding.
“This has not been talked about. But was it a professional problem?”
“It kinda was. I guess it’s also because we have different backgrounds,” pahayag pa ni Bea Alonzo.
Muling pagtatanong naman ni Boy Abunda upang maging mas malinaw ang naunang pahayag ni Bea Alonzo, “Backgrounds in terms of being an artist?”
“I guess so. Also, I think nagkaroon lang ng mga misunderstandings while on set. But we were able to talk about it, I remember, we were on the plane going to Davao, while we were promoting Start-Up. Pinag-usapan namin nang like mature people,” pagkukwento naman ni Bea Alonzo.
Matatandaan na pumutok ang balitang hindi nagkakaunawaan sina Alden Richards at Bea Alonzo matapos lumabas ang mga balitang tuluyang nakansela ang pangalawang project sana nila.
Una silang nagkatambal sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Start Up.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!