Maging ang TV-host at director na si John Lapus ay pinapatunayan rin ang pagiging mabait at pagiging mababang loob ng actress na si Barbie Forteza.
Sa isang tweet ni John Lapus, ibinahagi niya sa lahat ng mga netizens ang aniya'y totoong kulay at pagkatao ni Barbie Forteza.
"Mabait talaga si Barbie, minsan nilapitan pa niya ako sa sinehan para lamang maghello at ipakilala si Jak. To think na magkalayo kami ng upuan."
Agad naman siyang pinasalamatan ng Kapuso actress na si Barbie Forteza.
Nauna na rito ang pagsisiwalat naman ni Ivana Alawi kung paano siya tinrato ni Barbie Forteza noon nasa GMA palamang siya.
Ayon kay Ivana kailanman ay hindi niya malilimutan ang ginawa ni Barbie sa kanila ng kanyang ina noon sa GMA kung saan may mga nagtataray sa kanyang mga artista dahil sa pagiging baguhan niya.
Naglabasan ang mga pahayag na ito sa gitna ng isyung kinakaharap ni Barbie Forteza at sa kanyang nobyong si Jak Roberto.
Marami kasi sa mga netizens ang bumatikos at pumuna sa ginawa ni Barbie, kung saan hindi man lang umano niya pinili ang kanyang boyfriend na maging ka-date sa GMA Gala night.
May mga pumuna rin dahil tila mas pinagtutuunan umano ng pansin ni Barbie ang tambalan nila ni David Licauco.
Gayunpaman, hindi naman maitatanggi na talagang napakabuti ni Barbie Forteza base na rin sa mga pahayag ng kanyang mga naging kasama sa trabaho at sa mga taong nakapaligid sa kanya.
@juandominic Replying to @lyns #GMA GALA NIGHT 2023 #jackbie #barda #jackroberto #barbieforteza #davidlicauco #sparklegmaartistcenter #gmanightgala #Gmagaanight2023 #viraltiktok #viralvideos #highlights #Barbie #jackroberto ♬ original sound - JuanDominic
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!