Kasunod ng pagkumpirma ng basketball player na si Ricci Rivero sa Fast Talk with Boy Abunda na may nadatnan ngang babae si Andrea Brillantes sa loob ng kanyang condo.
Hinahamon ngayon ng mga netizens na lumantad na ang babae kung totoong wala itong kasalanan.
Matatandaan na sa panayam ni Ricci Rivero sa Fast Talk with Boy Abunda, ipinagdidiinan niyang hindi niya babae ang nadatnan ni Andrea.
May pumunta umanong kaibigan sa kanyang condo nang madaling araw na at hindi umano niya alam na may sinama itong babae.
Kasunod nito, hinahamon at inaabangan ngayon ng mga marites ang paglantad ng babae upang pormal na magreklamo sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isyu ng dating mag jowa na sina Ricci Rivero at Andrea Brillantes.
Isiniwalat pa mismo ni Ricci Rivero na si Andrea Brillantes mismo ang kumuha ng video ng babae habang palabas ito sa CR na tanging tuwalya lamang ang nakatakip sa katawan.
Subalit, hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalantad ang babae na nauna nang iginiit ni Ricci na hindi si Leren Mae Bautista.
Samantala, nagbigay naman ng pasabog ang isang kaibigan ni Andrea Brillantes kung saan sinabi nitong may mga hindi sinabi si Ricci Rivero sa interview.
Hubad umanong nadatnan ni Andrea ang babae habang tulog naman si Ricci Rivero. Sinabi rin umano ni Andrea na umamin ang dalawa na parehong lasing at hindi alam ang kanilang mga ginagawa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!