Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkaaantala ng isang project dahil sa pagkakasangkot ni Awra Briguela sa gulo sa isang bar sa Poblacion, Makati.
Hindi na umano itutuloy ang launching ng show ni Maja Salvador sa TV5 kung saan kasama sana si Awra Briguela dahil natatakot ang mga ito na madamay sa dalang kanegahan nito.
Matatandaan na naunang binuking ni Ogie Diaz ang pagsisinungaling ni Awra Briguela para lamang makasama siya sa pagigimik ng kanyang barkada.
Akala umano ng ama ni Awra Briguela na sa condo unit ni Vice Ganda tumutuloy ang anak dahil ito ang paalam sa kanya kaya nakampanti siya sa hindi pag-uwi nito sa loob ng anim na buwan.
“Na-shock ‘yung tatay ni Awra. Akala ng tatay all along nakatira si Awra sa condo ni Vice Ganda ng mga six months na, ‘yun ang paalam ni Awra sa tatay na hindi alam ni Meme,” wika ni Ogie sa “Showbiz Update”.
“‘Yun pala, sa mga barkada nakikitulog itong si Awra. Nag-e-enjoy sa barkada,” pagsisiwalat pa niya.
Samantala, sa isang vlog naman nina Cristy Fermin, ipinahayag din niya ang kanyang personal na opinyon sa katangian ni Awra Briguela.
“So, noon pa itong si Awra ay kulang na sa disiplina. Kaya hindi muna siya isinalang sa show nila ni Maja Salvador. Bakit mo nga naman isasalang eh nag-iimbita ng kanegahan.”
Sinegundahan naman ito ni Romel Chika at ipinunto pang wala na ngayong aasahan na trabaho si Awra Briguela sa gitna ng kinakaharap niyang patong-patong na kaso.
“Ayan tuloy, imbes na mayroon siyang trabaho, bakante siya ngayon. May problema na siya, nganga pa siya.”
Gigil namang sinabi ni Manay Cristy Fermin na dapat magtanda ang ganitong uri ng tao na hindi marunong magpahalaga sa kanyang trabaho at kanyang imahe naturingan pa umanong artista.
“Dapat talaga iyong ganitong klase ng tao na hindi pinahahalagahan ang kanilang imahe, ang kanilang trabaho, ang kanilang pagkatao ay binibigyan talaga ng leksiyon.”
Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag si Vice Ganda bilang manager ni Awra Briguela.
Mismong si Awra ay hindi pa rin dinidipensahan ang kanyang sarili, kaya naman hinuha ng mga netizens na totoo ang mga kumakalat na isyu na umano'y ang pinagmulan ng gulo ay ang pagkainis inis niyang hindi hinubad ng lalaki ang pantalon nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!