Awra Briguela Nagsinungaling Sa Ama, Sinabing Nakatira Sa Condo Ni Vice Ganda

Linggo, Hulyo 9, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat ng showbiz insider na si Ogie Diaz ang isang bagay na parehong ikinagulat umano ng ama ni Awra Briguela at ng kanyang manager na si Vice Ganda.


Ayon umano sa isa sa kanyang mga pinagkakatiwalaang source nagsinungaling umano si Awra Briguela sa kanyang ama at kay Vice Ganda.


"At ang nakakaloka pa, 'yung mali na yun, e nakaabot lang sakin ah. Na-shock yung tatay ni Awra Briguela. Akala nung tatay all along nakatira si Awra sa condo ni Vice Ganda ng mga six months na. 'Yun ang paalam ni Awra sa tatay na hindi alam ni Meme," pagsisiwalat ni Ogie Diaz.


Ang totoo umano ay nasa isang kabarkada tumutuloy ngayon si Awra Briguela at hindi sa condo ni Vice Ganda.


Samantala, hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pananahimik ni Vice Ganda at maging ni Awra Briguela sa isyung kinasangkutan niya noong June 29, 2023.


Dahil sa patuloy nilang pananahimik, marami sa mga netizens ang nagsasabing may katotohanan talaga ang isyung si Awra ang nagsimula ng gulo sa bar dahil hindi siya pinagbigyan ng lalaki na makakita ng subtitle.


Maging ang ilang mga kaibigan ni Awra na nagtatanggol dati sa kanya ay nanahimik na rin. Hindi rin naging malinaw kung totoo bang nagsampa ang mga ito ng reklamo laban sa lalaking sinasabing nanghipo sa kanila na hindi naman nahagip ng CCTV footage.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo