Inaabangan ngayon ng mga fans nina Aga Muhlach at Charlene Muhlach ang kanilang anak na si Atasha Muhlach kung ano ang ibibigay na proyekto rito matapos pumirma ng kontrata sa Viva Entertainment.
Samantala, sa panayam ng ilang mga press sa dalaga, natanong sa kanya kung ano ang kanyang pakiramdam sa mga nagsasabing malayo rin ang kanyang mararating sa larangan ng showbiz katulad ng kanyang ama at ina.
Hayagan naman niya ito sinagot at sinabing hindi siya napressure rito dahil noon pa man ay pinagsasabihan na siyang mini version ng kanyang ina, ang dating actress at beauty queen na naging pambato ng Pilipinas sa Ms. Universe.
“It’s very flattering because I find my mom very beautiful. And I think she’s very beautiful inside and out. And it just feels really nice and really good.”
Hindi rin umano naging isyu sa kanyang ama na sinasabi ng nakakarami na mas kamukha niya ang kanyang ina na si Charlene.
“He’s okay with it because of course he admires my mom. And the funny thing is, he’s very happy about it. Me and my dad are best friends. We do everything together. I play golf with him, we play basketball together. Even my mom.”
Samantala, hayagan namang inamin ni Atasha na gusto niyang gampanan ang papel bilang Dyesebel sakaling magkaroon ng remake nito.
Matatandaan na ginampanan na rin noon ng kanyang inang si Charlene ang pagiging Dyesebel noong 1990.
“I would really love to do Dyesebel if I had the chance because that is something that I saw growing up and I used to think that my mom was a mermaid. And as a kid I thought I’d eventually turn into one. So, to be able to experience a role like that would be truly an honor,” pag-amin pa nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!