Hindi napigil ng TV newscaster at journalist na si Arnold Clavio na ilabas ang kanyang pagkadismaya sa latest discovery ng vlogger na si Sass Rogando Sasot sa commercial ng 'Love the Philippines' na ipinagawa ng Department of Tourism sa isang kilalang advertising company.
Ibinulgar ni Sass Sasot na ang ilang sa mga ginamit na mga larawan sa video ay kinuha mula sa ibang bansa. May mga kinuha umano mula sa Indonesia, Thailand, Switzerland, at sa United Arab Emirates.
Hindi naman napigil ni Arnold Clavio ang kanyang sarili at nagbigay na ng reaksyon sa nakakahiyang pangyayaring ito.
“Nakakalungkot at nakakahiya ang rebelasyong ito sa DOT campaign na “Love the Philippines” Paano mo ngayon mamahalin ang Pilipinas kung mali na ang impormasyon na layong manghikayat ng dayuhang turista at pati kapwa pilipino na naninirahan sa ibang bansa?” saad ni Arnold Clavio.
Dagdag pa niya, “Hindi ba naisip ng kumpanyang DDB Philippines, na matagal nang nirerespeto sa advertising agency, na mabubuko at mabubulgar ang panlolokong ito?”
Naniniwala rin si Arnold Clavio na maapektuhan ng ad campaign na ito ang imahe ng Pilipinas sa buong mundo. Hiniling din niya sa DOT na panagutin ang mga tao sa likod ng pangyayaring ito.
“Ito ay isang napakalaking iskandalo sa mata ng buong mundo at marapat lamang na si Tourism Sec. Cristina Frasco ay umaksyon laban sa DDB.”
“Makabubuti rin na i-blacklist na ang kumpanyang DDB Philippines sa lahat ng proyekto at programa ng gobyerno.
“Ginoong Pangulong Marcos , wala dapat na lugar sa administrasyon mo ang isang ‘manloloko’.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!