Usap-usapan ngayon sa social media ang pagrereklamo ni Angelica Panganiban sa isang fast food restaurant.
Sa isang Instagram post, makikitang ibinahagi ni Angelica Panganiban ang isang larawan kung saan makikitang hilaw ang fried chicken na sa kanyang sandwich.
Tinawag din niya ang pansin ng isang international fast-food restaurant dahil sa insidenteng ito.
Makikita rin sa larawan na nabawasan na niya ang pagkain bago pa man niya napansin na hilaw pa ang chicken.
“I think hilaw?” pagtatanong ni Angelica sa restaurant.
Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens at maging mula sa ilang celebrities na nabahala rin sa nasabing post ni Angelica Panganiban.
"INGAT SA HILAW NA CHICKEN!!! This post from our friend @iamangelicap makes us more aware and careful with the food that we eat. Cooking chicken is tricky. If I remember right, our dear @officialjuday in her Judy Ann’s Kitchen vlog would cut the chicken to make sure that the meat will be properly cooked. I hope we all do that quality control! INGAT!!!"
"Was given the same thing too. Their excuse was, sobra daw kasi daming nag customers and orders. That is not an excuse. Pinalitan na lang nila order ko pero never na ulit ako bumili sa kanila."
Ayon sa aming nakalap na impormasyon, ang chicken ay kailangang lutuin ng mabuti dahil nagtataglay ng mga pathogens, kabilang na ang Salmonella na maaring maging sanhi ng stomachache at iba pang infections.
Kaya naman, kailangan umanong lutuin itong mabuti para ligtas itong kainin.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!