Ang Totoong Pagkatao At Yaman Ni Arjo Atayde

Linggo, Hulyo 30, 2023

/ by Lovely


 Alamin at kilalanin ang buong pagkatao ng lalaking pinakakasal ni Maine Mendoza, maituturi bang nakajackpot si Maine Mendoza sa kanyang napangasawa?


Si Juan Carlos Campo Atayde na mas kilala sa showbiz bilang si Arjo Atayde ay ipinangak noong November 5, 1990.


Si Arjo Atayde ay isang Filipino actor at ngayo'y pumasok na rin sa mundo ng pulitika. Nagsisilbi siya bilang representative ng Quezon City's 1st district mula noong 2022. 


Si Arjo ay anak ng award winning actress na si Sylvia Sanchez at isang businessman na si Art Atayde. Nakilala si Arjo dahil sa kanyang galing sa pag-arte.


Siya rin ang panganay sa kanilang tatlong magkakapatid. Nag-aral siya sa La Salle Greenhills, kalaunan ay lumipat sa  Reedley International School.


Hindi siya nakapagtapos ng college dahil kinailangan niyang magquit sa kalagitnaan ng kanyang pag-aaral dahil sa dami ng kanyang mga showbiz commitments.


Ilang beses din siyang bumida sa ilang mga hit Kapamilya series.


Unang sumabak sa pag-arte si Arjo Atayde noong 9 years old pa lamang siya, subalit kinailangan niya noong tumigil dahil napapabayaan na niya ang kanyang pag-aaral.


Matapos ang ilang dekada ay nagbalik sa showbiz industry si Arjo Atayde at napabilang sa palabas na E-Boy kung saan gumanap siya bilang Jepoy.


Dahil sa kanyang galing sa pag-arte, nanalo siya ng ilang mga awards kabilang na ang  PMPC Star Awards for Television: "Best Male New TV Personality" noong 2012 para "Bangka" at Best Single Performance by an Actor in 2014.


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon ang kasalukuyang net worth ni Arjo Atayde ay umaabot sa 1.9 million dollars o umaabot sa 104 million pesos.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo