Andrea Brillantes Umamin Na Nainlove Kay Kyle Echarri

Biyernes, Hulyo 28, 2023

/ by Lovely


 Kinikilig ang mga fans nina Andrea Brillantes at Kyle Echarri, matapos ang pag-amin ni Andrea sa kanyang kamakailang vlog kung saan naging guest si Vice Ganda.


Matatandaan na sa kamakailang vlog ni Andre Brillantes, ginawa nila ni Vice Ganda ang 'Never Have I Ever Challenge with a Twist'.


Sa tanong na, 'never have I ever been inlove with my bestfriend', inamin ni Andrea Brillantes na nainlove na siya sa kanyang bestfriend.


Agad namang nagtanong si Vice Ganda kung kailan ito nangyari. Sinabi naman ni Andrea na nangyari ito noong 15 years old pa lamang siya.


Bagama't hindi naman pinangalanan ni Andrea Brillantes kung sino ang kanyang tinutukoy. Tila nagkaroon na ng ideya ang mga fans na noon pa man ay nakasubaybay na sa showbiz career ng actress.


Ayon sa mga fans ni Andrea ang kanyang tinutukoy ay walang iba kundi si Kyle Echarri. Dahil ayon sa pag-amin ni Andrea, 15 years old lamang siya nang mangyari ito.


Sa ngayon ay 20 years old na si Andrea Brillantes kaya naman kung babalikan ang taong na 15 years old pa lamang siya ay naganap ito noong 2018.


Matatandaan na sa panahong iyon ang palaging nakakasama ni Andrea Brillantes sa pamamasyal ay walang iba kundi si Kyle Echarri. 2019 naman nang pumasok sa eksena si Seth Fedelin kung saan sila ni Andrea ang pinagtambal sa hit noontime teleserye na Kadenang Ginto.


Dahil dito, tila hindi na nabigyan ng pagkakataon na madevelop pa ang feelings ng dalawa dahil nagkaroon na sila ng kanya-kanyang loveteam.


Gayunpaman, tila may pagkakataon na ngayon na ipagpatuloy nila ang kanilang naudlot na lovestory kung may feelings pa sila sa isa't-isa.


Subalit, sa kanilang mga naglabasang off cam moments at ibinahaging Tiktok videos makikitang tila may spark pa rin naman sila para sa isa't-isa.


 

@ddrewies kyledrea riding a jetski together #andreabrillantes #kyleecharri #kyledrea #seniorhigh #fyp ♬ original sound - kia

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo