Andrea Brillantes, Sinabing Hindi Niya Babawiin Ang Regalong Ibinigay Niya Sa Kanyang Ex

Linggo, Hulyo 16, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat ng aktres na si Andrea Brillantes sa bagong vlog ng Unkabogable Superstar na si Vice Ganda na nagbabalak siyang isangla ang isang bagay na iniregalo ng isa sa kanyang mga ex. Hindi naman pinangalanan ni Andrea kung sino ang ex na kanyang tinutukoy.


Ayon pa kay Andrea Brillantes, may mga regalo mula sa kanyang mga ex na hindi niya pinapakawalan dahil gusto rin naman niya. 


Dagdag pa niya, imbes na ibalik ay isanla na lang niya ang mga ito at magkakapera pa siya pang shopping dahil aniya ay maaring ibibigay lang din naman nito sa iba ang regalo pag binalik niya.


Naisiwalat din ni Andrea Brillantes na wala siyang balak na bawiin ang lahat ng mga iniregalo niya sa kanyang mga naging ex. Dahil kung babawiin niya umano ang lahat ay wala nang matitirang gamit sa condo ng kanyang ex, na muli hindi niya pinangalanan.


Bagama't hindi naman pinangalanan ni Andrea Brillantes kung sino ang kanyang ex na tinutukoy tila may naiisip na ang ilang mga marites kung sino ito.


Malakas ang paniniwala ng mga netizens na ang ex na hindi pinangalanan ni Andrea Brillantes ay walang iba kundi ang basketball player na si Ricci Rivero.


Matatandaan na naging usap-usapan na noon na si Ricci Rivero umano ang gumagastos sa kanyang boyfriend na si Ricci Rivero. Dito nga nag-ugat ang mga usap-usapan na ginagamit lamang ni Ricci ang pagmamahal sa kanya ni Andrea Brillantes.


Samantala, marami naman ang napahanga kay Andrea Brillantes dahil sa pananahimim nito. Hindi rin ito naglalabas ng anumang masamang pahayag laban sa kanyang ex na si Ricci Rivero sa kabila ng mga pagsisiwalat ng huli sa ilang mga private information sa kanilang relasyon.


Kabilang na ang pag-lilive in nila na may consent pa umano mula sa kani-kanilang mga magulang.


Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens sa vlog nina Meme Vice kasama si Andrea Brillantes.


"Sa totoo lang napa bilib ako kay Andrea  B. ... sana ganito ang mentality ng mga Gen Z ...lahat POSITIVE VIBES instead of trauma, depression, anxiety etc.

Go gurl!"


"I love how Blythe answers all the question napaka matured nya and the way how she valued herself is really inspiring mas lalo pa kita honahangaan Blythe and meme Vice salamat sa interview na ito na super cool and chill lang sana magkaproject kayo together ganda ng chemistry onscreen"


"yung binabash at pinag tatawanan sya dati kasi napaka bata mag act. Pero mas matured pa ata sya mag isip at mas marunong pa sa buhay kesa sa mga taong nagbash sakanya. Sobrang strong ni blythe"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo