Andrea Brillantes, Isiniwalat Na Hindi Nilalabhan Ni Ricci Ang Kanyang Mga Damit Ng Isang Taon

Lunes, Hulyo 17, 2023

/ by Lovely


 Sa kauna-unahang pagkakataon nagbigay ng rebelasyon ang aktres na si Andrea Brillantes hinggil sa kanyang ex-boyfriend na si Ricci Rivero.


Matatandaan na una pa lang ng kanilang relasyon ay naisiwalat na ni Andrea Brillantes na may mga red flag siyang nakikita kay Ricci Rivero subalit nahulog pa rin umano ang kanyang loob rito.


Kaya naman sa kamakailang vlog ng Unkabogable Star na si Vice Ganda, may pagsisiwalat si Andrea Brillantes patungkol sa kanyang ex na si Ricci Rivero at kung paano niya ginagawa ang pagmo-move on.


Ayon kay Andrea, iniisip na lamang niya kung worth it bang iyakan ang lalaking hindi naglalaba ng mga damit nang mahigit sa isang taon.


“Gusto ko lang sabihin minsan, kung hirap ka mag-move on, kailangan mo talaga isipin ‘yung mga bagay na, ‘Talaga ba iiyakan ko ‘yung lalakeng hindi nagpapa-laundry nang isang taon?” saad ni Andrea. 


Dagdag pa ni Andrea Brillantes na napakaliit lamang ng ginawa sa kanya ni Ricci Rivero kaysa sa kanyang mga pinagdadaanan sa buhay.


Isiniwalat din ni Andrea Brillantes na wala siyang balak na bawiin kay Ricci Rivero ang mga regalong naibigay niya ito.


Kung babawiin niya umano ito ay wala nang matitira pa kay Ricci Rivero.


“Kapag kinuha ko lahat ng binigay ko sa kanya, wala na siyang gamit sa condo niya,” pagsisiwalat pa ni Andrea.


Sa pag-iestimate niya ay aabot sa milyon-milyon ang mga naibigay na ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo