Naglabas na ng opisyal na pahayag ang organizer ng kauna-unahang Miss Grand Philippines Organization na ALV Pageabt Circle patungkol sa kumakalat na isyu patungkol sa pag-alma ng Hiyas ng Pilipinas sa titulong napanalunan ni Herlene Budol.
Ayon sa pahayag ng ALV Pageant Circle sa kanilang mga social media account, iginiit ng organisasyon na hindi pa nila nakumpirma kung si Herlene nga ba o hindi ang magiging representative ng bansa sa international pageant na gaganapin sa London sa darating na November.
“ALV Pageant Circle would like to clarify that we have not yet issued any official confirmation regarding Miss Philippines Tourism 2023 Herlene Budol’s participation in the Miss Tourism World pageant.”
Nilinaw din nila na ang ibinigay nilang title kay Herlene Budol ay isang generic title. Ibig sabihin wala itong contractual obligations sa anumang international pageant.
“While we acknowledge the achievements of our reigning queen Justine Felizarta as the first runner-up in Miss Tourism World 2022, we would like to clarify that we have since ceased from using the Miss Tourism World Philippines title.
"Our Miss Philippines Tourism title is a generic title with no contractual obligation to any international pageant. Henceforth, our choice of global pageant may vary year after year, depending on the ideals and visions of the organization.”
Nilinaw din ng ALV Pageant Circle na wala silang intensyon na makipag-away sa iba pang pageant organizers ng bansa.
Gayunpaman, nilinaw nila na may sasalihan pa ring international pageant ang kanilang Ms. Philippines Tourism 2023 winner pero hindi pa nila ito maaring isiwalat.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!