Bagama't detalyado at nai-feature sa ilang mga entertainment sites at mga social media platforms ang kasalan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde noong July 28, 2023 marami pa rin sa mga AlDub fans ang naniniwalang hindi totoo ang nasabing kasalan ng dalawa.
Naniniwala ang ilang mga AlDub Nation na ang 'clone' ni Maine Mendoza na si Mari Jean Montecillo ang pinakasalan ni Arjo Atayde at hindi ang actress na si Maine Mendoza mismo.
Ayon pa sa ilang mga AlDub fans, na ang totoong Maine Mendoza ay inaalagaan ang tatlong anak nila ni Alden Richards.
Matatandaan na noong 2018, sumali sa isang segment ng Eat Bulaga si Mari Jean Montecillo kung saan sinasabi niya ka-look-alike niya si Maine Mendoza.
Samantala, ilang beses nang nagsalita sina Maine Mendoza at Alden Richards kung saan nilinaw nilang walang namagitan sa kanila at tanging trabaho lamang ang naging ugnayan nila.
Nauna na ring pinabulaanan ng dalawa ang isyung kinasal at nagkaroon na sila ng tatlong anak. Subalit, naninindigan pa rin ang ilang mga Aldub fans na pinipilit lamang ang dalawa ng kani-kanilang management na itago ang mga anak at ang mismong relasyon nila.
Nagbigay naman ng payo ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin sa mga delusional AlDub fans at sinabihang dapat na silang magpatingin sa doctor.
“Opo, dapat na talaga nagpapatingin tayo kapagka ganyan. Na alam naman natin walang anak si Alden at si Maine at hindi sila naging mag-asawa at hindi magiging mag-asawa, pero pinaniniwalaan pa rin natin. Iba na po ito. Medyo dumalaw na po tayo sa ating mga doktor at baka naman po may nagaganap na.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!