AlDub Nation Hindi Kumbinsido Sa Kasal Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde, Isa Lamang Itong Palabas

Biyernes, Hulyo 28, 2023

/ by Lovely


 Sa kabila ng kaliwa't-kanang pag-uulat ng kasalan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ngayong araw ng byernes, July 28, 2023, marami pa rin sa mga fans ng tambalan nina Maine Mendoza at Alden Richards na mas kilala bilang AlDub Nation ang naniniwalang fake news lamang ang lahat.


Tila may mga Aldub Nations pa rin ang patuloy na naniniwalang palabas lamang ang relasyon nina Maine Mendoza at Arjo Atayde dahil naniniwala silang totoong ikinasal noon sina Maine at Alden at nagkaroon pa ng kambal na anak.


Bagama't may ilang tanggap na ang lahat at nakamove on na sa nasabing loveteam, marami parin ang hindi kumbinsido at tila nagbubulag-bulagan sa mga nangyayari.


Samantala, kumakalat na ngayon ang mga larawan na mula sa intimate wedding nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Baguio City.


Tila, hindi napigilan ng malakas na ulan dala ng Bagyong Egay ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Isa rin ito sa mga pinanghuhugutan ng ilang mga AlDub Nations dahil umano'y nagkunwari lamang umanong kasal ang dalawa para sa promotion ng kanilang loveteam.


Kung matatandaan na mismong nilinaw na nina Maine Mendoza at Alden Richards na never silang nagkaroon ng totoong relasyon kahit pa noong labis na sumikat ang kanilang loveteam dahil sa 'Kalye Serye' ng Eat Bulaga.


Gayunpaman, naninindigan pa rin ang ilang mga Aldub Nation at sinasabi pang tinatago lamang ng dalawa ang kanilang relasyon maging ang kanilang anak.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo