Alden Richards, Isiniwalat Na Imposible Na Makasama Ang TVJ at Iba Pang Dabarkads

Martes, Hulyo 11, 2023

/ by Lovely


 Aminado ang TV host-actor na si Alden Richards sa naganap na media conference ng Battle of The Judges kung saan siya ang host.


Aminado si Alden Richards na nalungkot din siya sa desisyon ng TVJ at iba pang dabarkads na magresign sa TAPE Inc. at maghanap na lamang ng panibagong tahanan.


Nalulungkot umano si Alden dahil naging parte na rin sa kanyang buhay ang TVJ at iba pang kasamahan noon sa Eat Bulaga.


“Personally, I was of course very sad, na yun nga, of course, the whole management decided to transfer to a different network. I love these people dearly. Ang tagal ko po silang kasama. It’s a good six, seven years of my entire career. I’m 11, turning 12 years in the industry. So most likely, kalahati ng buhay ko nasa Eat Bulaga po ako,” pahayag ni Alden Richards.


Bagama't nasa ibang tahanan na umano ang datin niyang  mga kasamahan, nilinaw naman ni Alden na maayos pa rin ang kanilang relationship at nananatili silang magkaibigan.


“So siyempre, of course, wala po akong karapatang makialam sa desisyon ng management ng parehong kampo dahil isa lamang po akong empleyado. Pero kumbaga, kung sa personal ko pong damdamin, sa puso, malungkot po ako na parang hindi na ako makakabalik sa pamilya na almost half of my career, nandoon ako. But we still remain friends, even off cam,” dagdag pa nito.


Isiniwalat din ni Alden na nahihirapan siyang makasama muli ang TVJ at dating mga kasamahan dahil sa kanyang exclusive contract sa GMA7.


“Yun nga po, yung opportunity na makalipat muli, makita po sa TV5, medyo yun po kasi ang… of course, hindi lang naman po GMA ang merong ganung exclusivity.”


“All the other networks have that. But siguro, kahit saan man po ako mapunta, yung puso ko po bilang Dabarkads, hindi na mawawala yan,” pag-amin ni Alden.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo