Alden Richards Inamin Na Inimbita Siya Na Mag Guest Sa Katapat Ng E.A.T

Miyerkules, Hulyo 12, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng Multimedia Star na si Alden Richards na naimbetahan siya na maging guest sa isang show na katapat ng E.A.T, show ng TVJ sa panibagong tahanan nila sa TV5.


Sa isang panayam, ibinahagi ng actor-host na si Alden Richards ang natanggap niyang offer na maging guest host sa isang show na katapat ng TVJ noong July 1.


Subalit, agad umano niya itong tinanggihan dala ng kanyang delicadeza sa dating mga kasamahan na kasisimula rin lamang sa kabilang network.


Sa kabutihang palad, hindi naman umano siya pinilit ng GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes at nirespeto na lamang nito ang kanyang desisyon.


Sa kabilang banda, hindi naman isiniwalat ni Alden at tumanggi na rin siyang ipahayag kung ang It's Showtime ba o ang rebranded Eat Bulaga ang nag-imbeta sa kanya.


Nilinaw din ni Alden na maari pa rin naman siyang maging guest sa show na katapat ng E.A.T pero hindi bilang host kundi magpopromote lamang ng kanyang pelikula.


“If it’s about promo, ok po pero as a guest and regular host, baka hindi po muna kasi yung puso ko po is with the Dabarkads. Tahimik lang ako all throughout the issue, hindi po ako nakikisawsaw pero by the time kasi na natanong ako about my relationship with TVJ, syempre sinabi ko po yung piece ko,” saad ni Alden.


Dagdag pa niya, “Hindi naman po ako plastik. Hindi ko pwedeng sabihin na wala kaming pinagsamahan ng Dabarkads before. Hindi ko pwedeng sabihin na dahil wala na sila sa GMA, I let go of things that we have shared all throughout those seven years.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo