Nagsalita na ang actor-host na si Alden Richards at dinepensahan niya si Sharon Cuneta laban sa mga pamababatikos ng mga fans ni Maine Mendoza matapos ang umano'y panunukso ng Megastar sa kanila ni Maine Mendoza.
Matatandaan na naging guest host si Sharon Cuneta sa TV show ng TVJ sa TV5 noong July 1, 2023.
Dito ay binati ni Sharon si Maine Mendoza at tila pabirong tinukso si Alden Richards.
"Maine, congrats, ha. Nagsu-shooting ako ngayon. May kasama ako, yung anak kong bago, yung bago kong son. Ang pangalan niya Alden."
Sagot naman sa kanya ni Maine, "Congrats po sa movie ninyo, Ms.Sharon."
Hirit pa ng Megastar na anyong nagbibiro, "Uy, pero congrats, ha. Hi Alden, nandito si Maine."
Hindi naman ito nagustuhan ng mga fans ni Maine Mendoza dahil matagal na umanong wala ang Aldub Loveteam. Isa pa, ikakasal na si Maine Mendoza kay Arjo Atayde kaya naman napaka-awkward umano ng ginawa ni Sharon.
Dahil dito, nahingan ng komento si Alden Richards sa naganap na media conference para sa Battle of The Judges kung saan isa siya sa mga host.
Ayon kay Alden, wala siyang nakikitang mali sa ginawa ni Sharon. Alam din umano niyang hindi intensiyon ni Sharon Cuneta na bastusin sina Maine at Arjo.
"Siguro parang masyado lang po... hindi ko rin po kasi alam kung paano maintindihan nung mga manonood yung delivery po ni Ms. Sharon, but I think she meant well.
"Siguro kung feeling po nung iba na nabastos in a way si Arjo at Maine, of course dahil ikakasal na, siguro naman po hindi yon yung intention ni Ms. Sharon.
"Sana naman po huwag nating husgahan agad, and kumbaga, of course, we pay respect to the couple kasi nga po ikakasal na sila.
"But siguro na-excite lang din si Ms. Sharon that time. Kasi nga, first balik niya sa Eat Bulaga! after that time.
"Nakukuwento rin po niya sa akin na fan po siya ng AlDub before so, feeling ko po, it's out of excitement."
Hiniling din ni Alden sa lahat ng mga netizens na sana ay huwag nang palakihin pa ang isyu at itigil na ang kanilang pambabatikos kay Sharon Cuneta.
"Sana lang po huwag po masyadong personalin. Kumbaga, wala pong issue na gustong simulan yung pag-guest po ni Mama dun. So, i-forgive na lang natin yung situation. Wag masyadong harsh."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!