Aktres Na Si Karla Estrada, Nakapagtapos Na Ng College!

Linggo, Hulyo 23, 2023

/ by Lovely


 Masayang ibinahagi ng actress-host na si Karla Estrada ang kanyang graduation photo.


Nakapagtapos na si Karla Estrada sa kanyang kursong  Bachelor of Science in Office Administration at the Philippine Christian University.


Nadagdag na sa listahan ng mga nakapagtapos na celebrities ang ina ni Daniel Padilla na agad naman nitong ibinahagi sa kanyang Instagram post.


"To GOD be the Glory. Develop a passion in Learning, You will never cease to grow.


"Thank you ETEEAP (Expanded Tertiary Equivalency and Accreditation Program). Sa napakagandang pagkakataon na ito na maisakatuparan ang pangarap ng katulad ko at ng nakararami na makapag tapos ng kolehiyo.


"Congratulations sa lahat ng aking mga nakasabayan sa pagtatapos sa kursong Bachelor of Science in Office Administration."


Matatandaan na noong September 2022, ibinahagi ni Karla Estrada na bumalik siya sapag-aaral sa edad na 47.


"Nothing is too late when you put your heart into it. Hindi ko po sasayangin ang pagkakataong ito," pahayag pa noon ni Karla.


Samantala, ini-encouraged naman ni Karle Estrada ang iba pang mga ina na nagnanais pa ring ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral para maabot ang kanilang mga pinapangarap.


"Kaya sa mga gusto pang magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo at makakuha ng degree, hindi pa po huli ang lahat."


"Laban tayo para sa mas magandang kinabukasan!"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo