AJ Raval, Pinapainggit Si Kylie Padilla, Ipinakita Ang Lambingan Nila Ni Aljur Abrenica

Linggo, Hulyo 30, 2023

/ by Lovely


 Talagang hindi na tinatago nina Aljur Abrenica at AJ Raval ang kanilang relasyon sa publiko.


Kamakailan lamang ay nag-live si AJ Raval sa kanyang Facebook account kung saan ibinahagi niya ang bonding moments nila ng kanyang boyfriend na si Aljur Abrenica.


Makikita sa live video ni AJ Raval na naglalambingan sila ni Aljur Abrenica sa garden habang nakasakay sa magkatabing swing. Umiinon din sila mula sa iisang mug.


Maririnig pang tinawag ni AJ Raval na 'love' si Aljur Abrenica. Nang mapansin ni AJ Raval ang ilang pambabatikos ng mga bashers sa kanila, ipinahayag niyang naiingit lamang ang mga ito sa kanila dahil walang mga lovelife.


"Ang daming naiinggit, walang lovelife," saad ni AJ kay Aljur.


Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens.


"Mga Hindi na nahiya nagharutan pa kayo sinong inggit si kylie yack pabugbug pa ni ate kylie Si aljur dun sa boyfriend nyang tattoo artist nakakahiya kayo naglive pa kayo"


"Proud and loud KABET! Yuck"


"ang landi mo aj raval"


Samantala, may mga nagsasabing tila sinasadya umano ni AJ Raval na ibahagi ang kanilang paglalambingan ni Aljur Abrenica para makarating sa estranged wife nitong si Kylie Padilla.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo